Rico Blanco

Nanginginig.

Hindi malaman ang mararamdaman; hindi man lang makaramdam ng galit, lungkot, o inggit. Sige, andun ang inggit. Pero tinanggap ko lang agad ng parang alam ko na dati pa na darating din sa puntong ganito. Hindi ko alam kung papaano tatakas; oo alam kong masamang tumakas, pero hindi ko rin kasi alam kung papaano haharapin kasi sa una’t sapul, wala akong mukhang maihaharap.. kaya mas mabuti na lang siguro na takasan? Hindi. Hindi ko alam. Marami na akong nakaing bigas, at hinding hindi ko iyon isusuka. Lunok.

Hindi ko alam kung papaano ko ipagpapatuloy AT kung paano ko rin ititigil. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Ay, andito pa rin pala.

Nanliliit. Inaasahan ko na ‘to pero bakit ganito pa rin ang epekto?

Nanliliit.

Nanginginig.

Nanginginig ako ngayon. Kakaiba. Pero parang hindi na bago.

Siguro tumatanda lang ako kaya alam ko na kung paano sasaluhin.

Ewan ko.

Kamusta ka na, tumblr?