Siguro may mga pagkakataon talagang ganito. Yung tipong hanggang tingin ka lang, mula sa malayo; wala ka nang magagawa pang iba kundi panuorin ang mga pangyayari kasi wala kang kakayanang tumayo at sumali kasi alam mo sa sarili mong hindi mo kaya… tulad ng palagi kong nararamdaman sa buwan at sa mga bituwin— hanggang tingin lang sila. Na kahit anong taas ng talon ang gawin ko hindi ko sila maaabot. Na kahit anong makina ang gawin at sakyan ko hindi ko sila maaabot. Na kahit anong dasal ko na sana balang araw marating ko sila, hindi ko pa rin sila maabot.
Pero kahit pa ganun ay umaasa pa rin ako na balang araw, magkaroon ng himalang makapagpapabago ng pananaw kong iyon patungo sa ganoong sitwasyon. Na meron pang liwanag sa likod ng lahat ng ‘to— na meron pang pag-asa. Na meron pang rason para mangarap. Na meron pang rason para ipagpatuloy ang lahat ng ‘to. Na meron pang rason para lumaban.
Hindi ko alam. Palagi na lang hindi ko alam. Minsan kasi parang pakiramdam ko, ayaw ko na. Pero kahit anong pilit kong gawin, hindi ko talaga nakakaya. Dahil siguro mahina akong klase ng tao? Maari. Pero hindi naman siguro hadlang ang pagiging mahina sa pag-abot ng mga aking bituwin. Ay nako, pagdating talaga sa mga ganitong bagay eh natatanga ako.
Bahala na! Alam ko naman na sa huli, magiging maayos ang lahat.
Do not try. Just let it happen. #mantraoftheday