SSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS
SSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS
Naduling ka ba? Pwede naman kasing gamitin ang ctrl + F :)
Yan ang isang kinaiinisan ko sa human nature. Sobrang bullshit. Parang vermiform appendix. Walang saysay. Pampakomplikado lang ng bagay-bagay. Pwede mo pang ikapahamak.
Kaya ang labo ng tingin natin sa mundo eh; ang dami nating masyadong iniisip na sa tingin natin, nag-eexist pero hindi natin namamalayan, parte lamang pala sila ng ating imahinasyon.. mga parte ng imahinasyon na nagagawa pa nating palakihin/palalain hanggang sa paniwalaan na nating totoo na ‘yon. Ang masama pa dun, nakakaapekto tayo ng buhay ng iba.
Masyadong pinapakomplikado. Kung pupwede namang gawing simple, edi gawing simple. Minsan akala natin hindi siya pwedeng gawin, pero sa totoo ayaw lang natin kasi sabi ko nga, part ng human nature ang pagiging sabog/baliw/mahilig sa magulo/kung ano mang tawag dun.
Solusyon?
Sabi nga ng isa kong matalik na kaibigan (hi!), learn how to detach. Detachment. Disconnect. Separate. Matuto tayong humiwalay sa mga bagay na nagpapasama lang ng sitwasyon; kahit masakit man sa atin ‘yon o hindi. Kapag problema kasi ang naihain sa atin, ang tendency e nagpapanic tayo, at kasunod nun ang mabilisang “pagresobla” kuno ng problema na nagdudulot lang madalas ng mga mas malalaki pang problema. Hindi kasi natin pinagiisipan. Nagmamadali kasi tayo.
Kapag wala tayong kargada, kapag wala tayong buhat buhat, kapag nagawa nating humiwalay panandalian sa mga bagay na nagpapabigat, mas madaling makapag-isip at mas malinaw ang ating isipan na sa malamang ay magreresulta ng mga magagandang paraan upang maresolba ang ating mga problema sa buhay.
Ang layo sa ctrl + F no?
Wala nga palang number 5 jan. Minsan kasi masyado nating inooverlook ang mga bagay-bagay, akala natin meron tayong problema.. pero mga ilusyon lamang na kaya namang mawala sa isang iglap.