Plus minus one
Kaya kong magbasa ng attitude ng tao, pero bakit sarili ko hindi ko magawang basahin? #yabangmode
Laging hindi sigurado. Haha.
——-
Nakakainggit yung iba. Halos nasa kanila na ang lahat, nasa kanila na ang mga bagay (hindi literal na “bagay”) na hinahanap-hanap ko, pero bakit kinakaya ng sikmura nila na itapon, sayangin, at sirain na lang ang mga bagay na iyon?
Naiinggit ako. Lalo na kapag binabalikan ko ang nakalipas.. ang perpekto. Matagal ko nang hinahanap ang ganun pero bakit ang iba kaya nilang itapon lang ng basta basta? Oo, takot ako sa hinaharap pero para sa akin ang nakalipas ang pinaka-mahirap harapin sa lahat. Kaya siguro ang hina ko rin sa history…